Martes, Hulyo 12, 2011

ANG WUDOO Ang Pagpapadalisay (PANGALAWANG ARALIN SA ISLAM)

GAWANG ARALIN NI . Brother. Abdul Aziz Serna
AUDHO BILLAHI MINASHAITANER RAJIIEM
BISMILLAH HIRRAH MANIRAHIEM
ALHAMDULLILAH RABBIL ALAMIN
WASALATO WASALAMO WA MUHAMMADIN
WA LA ALI WA SABI’IH A JIMAIN A MABAD
ASSALAMU ALAYKUM WARAH MATULAHI WA BARAKHATU
ANG WUDOO Ang Pagpapadalisay
(PANGALAWANG ARALIN SA ISLAM)






Ang Wudoo ay isang pamamaraan ng paglilinis sa ilang bahagi ng katawan bilang pangespirituwal na kadalisayan sa pamamagitan ng malinis na tubig. Ito ay isang patakaran bago mag-alay ng Salah. Si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Walang Salah (na tatanggapin ng Allah) para doon sa mga hindi nagsasagawa ng Wudoo."[Ahmed] Ang Wudoo ay isang katangian ng sambayanang Muslim (Ummah) na siyang palatandaan upang makilala sila sa Araw ng Paghuhukom, katulad ng Hadeeth ni Propeta Muhammad na nagsabi: "Sa Araw ng Pagbabangong Muli, ang aking mga tagasunod ay tatawagin (makikilala) mula sa mga bakas ng Wudoo." [Al-Bukhari]
ANG PAMAMARAAN NG WUDOO NI PROPETA MUHAMMAD
Maraming Hadeeth ang nagbibigay paliwanag kung papaano isinagawa ni Propeta
Muhammad ang Wudoo. Ang pinakamaliwanag ay yaong isinalaysay ni Humran, isang alipin
ni Uthman bin Affan na nagsabi nang ganito:
"Nakita ko si Uthman bin Affan na humingi ng isang timbang tubig (at nang ibigay sa kanya)
nagbuhos siya ng tubig sa kanyang kanang kamay at hinugasan ang mga kamay niya ng tatlong
beses, pagkaraan, isinahod niya ang kanyang kanang kamay at iminumog niya sa kanyang bibig,
nilinis niya ang kanyang ilong sa pamamagitan ng pagsinghot ng tubig at saka isininga.
Pagkatapos, ay hinugasan niya ang kanyang mukha at braso hanggang lagpas siko ng tatlong
beses, hinaplos ng basang kamay ang kanyang ulo at hinugasan ang mga paa hanggang lagpas bukong-bukong ng tatlong beses. At pagkatapos siya ay nagsabi: "Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: ‘Kung sinuman ang nagsagawa ng Wudoo katulad ng sa akin at nag-alay ng dalawang Rak’ah, ang kanyang mga nagdaang kasalanan ay mapapatawad’."Pagkaraan ng pagsasagawa ng Wudoo, si Uthman ay nagsabi: “Ako ay magsasalaysay sa inyo ng Hadeeth na hindi ko pa nasasabi sa inyo, kung hindi lamang ako napipilitan nang dahil sa isang talata sa Qur’an (nagsalaysay si Urwa na nagsabi): Ang talatang ito ay “Katotohanan, yaong nagtago sa mga maliliwanag na katibayan at patnubay na Aming ipinahayag pagkaraan Naming gawing malinaw ito sa Aklat para sa tao, sila yaong isinumpa ng Allah at isinumpa ng mga nanunumpa.” [QurĂ¡an- 2:159] Narinig ko si Propeta Muhammad na nagsabi: "Ang sinumang nagsagawa ng pinakamahusay na Wudoo at pagkaraa’y nagsagawa ng samasamang
Salah (congregational), pinatatawad ng Allah ang kanyang mga kasalanan na ginawa niya sa pagitan ng kasalukuyang Salah at ng sumusunod na Salah." [Al-Bukhari]
ANG WUDOO
ANG MAGAGANDANG BUNGA NITO.
Bagaman ang Wudoo ay isang panimulang patakaran ng Salah, ito ay itinuturing na isang uri ng pagsamba (‘Ibaadah) na may sariling kabutihan at gantimpala. Si Propeta Muhammad ay
nagsabi: "Kapag ang isang Muslim ay nagsagawa ng Wudoo at nagmumog ng kanyang bibig, ang kanyang kasalanan mula rito ay nalalaglag. Kapag hinugasan niya ang kanyang mukha, ang kanyang kasalanan ay nalalaglag mula rito hanggang ito ay malaglag sa ilalim ng kanyang pilikmata. Kapag hinugasan niya ang kanyang mga kamay, ang mga kasalanan niya ay nalalaglag hanggang ito ay malaglag sa ilalim ng kanyang mga kuko (sa daliri). Kapag hinaplos niya ang kanyang ulo, ang kanyang kasalanan ay nalalaglag hanggang malaglag ito sa kanyang tainga. Kapag hinugasan niya ang kanyang mga paa, ang kanyang mga kasalanan ay nalalaglag mula sa mga ito hanggang malaglag ang mga ito sa ilalim ng kanyang mga kuko (sa paa)" (Malik-An Nasa'i). Sa ibang pagsasalaysay "Hanggang siya ay ganap na naging malinis (at dalisay) mula sa kanyang mga kasalanan." [Muslim]
ANG WUDOO
ANG MAHAHALAGANG BAGAY HINGGIL DITO
1. Bago magsimula ng pagsasagawa ng Wudoo, kailangang banggitin ang Pangalan ng Allah sa pamamagitan ng pagsasabi ng “Bismillaah” nang mahina.
2. Ang mga lalake ay dapat basain ang kanilang mga balbas, kapag naghuhugas ng kanilang
mga mukha.
3. Hugasan at linisin ang mga pagitan ng mga daliri (sa kamay at paa).
4. Tiyakin na ang mga buong bahagi ng paa ay hinugasan lalo na yaong sakong at bukongbukong sapagka’t si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Kasawian sa mga sakong mula sa Impiyerno" (pinagtibay)
5. Pinahihintulutan sa isang nakamedyas, pagkaraan na maghugas ng kanyang mga paa sa
nakaraang Wudoo, na haplusin na lamang ito, mula sa isang araw at isang gabi para sa hindi
naglalakbay at para naman sa mga naglalakbay pinahihintulutan na panatilihin ang medyas ng tatlong araw at gabi.
6. Pinahihintulutan para sa mga babae na haplusin ang kanilang takip sa ulo (Khimar) kaysa
alisin ito, subali’t kailangang ito ay nakabalot sa kanilang leeg.
7. Kung ang isang bahagi ng katawan ay nakabenda o nakabalot dahil sa anumang sugat o
karamdaman, sapat na haplusin na lamang ito.
8. Maraming salaysay tungkol sa Wudoo na sinabi ni Propeta Muhammad , at ang isa ay nagsasabi na: "Sinuman ang nagsagawa ng Wudoo nang mahusay at pagkaraan ay nagsabi' "Ash-hadu an la ilaha illAllah, wahdahu la sharika lahu, wa ash-hadu anna Muhammadar Rasulullaah (Ako aysumasaksi na walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, na Siya ay walang kaagapay o katambal, at si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo) walong pintuan ng Paraiso ang ibubukas para sa kanya at makapapasok siya sa alinmang pintuang kanyang nais"[Muslim] Sa paghahanda ng Salah, pansumandali nating iniiwan ang ating mga gawain o negosyo. Tayo ay naglilinis ng ating pangangatawan sapagka’t tayo ay haharap sa ating Dakilang Maykapal. Ang paglilinis na ito ay sumasagisag bilang paggalang at pagdakila sa Kanya. Ito ay isang bagay na nagpapakita ng malinis na hangaring magbigay kasiyahan sa Allah. Kung ang kawanggawa ay karapatan ng tao sa kapwa tao, ang Salah ay karapatan ng Allah sa tao. Likas sa tao na kapag siya ay humaharap sa isang kilalang tao (presidente kaya o marangal na tao) ang kanyang paghahanda ng sarili ay isinasagawa upang siya ay tumanggap ng magagandang pamumuna at hindi siya kahiya-hiya. Naglalagay ng pabango, nagsusuot ng malinis na damit, maayos ang buhok, malinis ang lahat ng bahagi ng pangangatawan. Kung ang mga bagay na ito ay ginagawa natin sa pakikitungo at pakikiharap sa kapwa tao, hindi ba nararapat din na higit nating bigyan ng kaayusan ang ating sarili sa pagharap sa ating Dakilang Tagapaglikha? Si Abu Hurairah ay nagsalaysay na si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Sinuman ang naglilinis ng kanyang sarili (Wudoo) at pagkaraan ay nagtungo sa Masjid upang magsagawa ng kanyang tungkulin sa Allah (mag-alay ng Salah), ang isang hakbang niya patungo sa Masjid ay nakapag-aalis ng kasalanan at ang ibang hakbang niya ay nakapagpapataas ng kanyang katayuan". [Muslim]
ANG PATAKARAN SA PAGSAGAWA NG WUDOO
1. Islam (nararapat na siya ay Muslim).
2. Wasto at Tamang kaisipan.
3. Wasto at Tamang Gulang.
4. Ang Neeyah (Intensiyon). Ang isang Muslim ay dapat magkaroon ng intensiyong magsagawa ng Wudoo bilang paghahanda sa pagganap ng Salah. Banggitin nang tahimik ang
(“Bismillaah”).
5. Ang pagsasagawa (ang isang Muslim ay hindi dapat na magkaroon ng intensiyon na ihinto
ang pagsagawa ng Wudoo).
6. Ang pagsagawa ng Istinja' (paglinis ng mga pribadong bahagi sa pamamagitan ng tubig) o ng bato, papel, dahon (Istijmar) bago magsagawa ng Wudoo.
7. Ang tubig ay kailangang malinis at Mubah (hindi dapat nakaw o kinuha nang sapilitan)
8. Ang pagkawalang-bisa ng Wudoo nang dahil sa pag-ihi, pag-utot o anumang dahilang
nakasisira ng Wudoo ay dapat magsagawa muli ng Wudoo bago mag-alay ng Salah.
ANG MGA BAGAY NA NAGPAPAWALANG-BISA NG WUDOO
1. Ang pag-ihi, pag-utot, at pagdumi.
2. Nawalan ng malay dahil sa pagtulog o pagkawala ng ulirat.
3. Pagkain ng karne ng kamelyo (sapagka’t iniutos ito ni Propeta Muhammad .)
4. Ang tuwirang paghawak sa pribadong bahagi ng katawan (na walang takip o pang-ibabaw
na damit.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento